Legazpi CDRRMO, inihayag na may mga bagong CCTV cameras sa lunsod noong Nobyembre-Disyembre ang hindi gumana

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Legazpi City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) na batay sa kanilang daily monitoring noong buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre ay nalaman nilang may ilang mga bagong CCTV camera sa lunsod ang hindi gumagana.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Miladee Azur, head ng tanggapan, sinabi niyang, dahilan nito ay ang tungkol sa pinagkukunan ng kuryente na lagging nagkakaproblema.

Katunayan nito, iniisip nila kung magcoconnect pa ba sila sa grid, o gagamit na lamang ng mga solar panels, dahil lagi naman umanong nagkakaroon ng problema sa grid.

Ang problema naman umano kung gagamit ng solar panels ay madalas itong mawala kasama ang battery nito dahil ninanakaw ng ilan.

Mahirap sa ngayon ang magtantya, kung kaya ayon kay Azur, anuman ang iinstall ay pangalagaan na lamang ng mga komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *