Legazpi CDRRMO, planong dagdagan ang mga CCTV cameras sa lunsod para sa DRR monitoring

Pinaplano ng Legazpi City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) na dagdagan at maglagay pa ng mga CCTV cameras sa lunsod para sa Disaster Risk Reduction monitoring.

Inihayag ni Miladee Azur, CDRRMO head, sa Brigada News FM Legazpi na aminado rin siyang may cameras sa lugar na mayroong mga depekto at nagkaroon ng delay sa pagproseso ng mga papeles para sa repair at pagdagdag ng mga bagong CCTV camera.

Aniya, ngayon umano ay tinututukan na nila ang mga dokumento at nagkaroon din ng kaunting problema para sa pondo ngunit maayos naman na ito sa ngayon.

Dagdag pa niya, sa pagtatapos ng buwan ay baka maglagay na ng mga karagdagang CCTV camera.

Sa ngayon ay mayroong 175 nito sa lunsod at dadagdagan pa umano ito upang malagyan sa mga ilog sa lunsod para mamonitor lalo na kung nagkakaroon ng mga pagbaha.

Ilan sa mga lunsod na lalagyan ay Macabalo River, at Sagumayon River maging sa mga maliliit na sapa na pinagmumulan ng mga pagbaha kung umaapaw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *