Legazpi CHO, nananawagan sa management ng Grand Terminal na magkaroon ng direktiba sa sa mga tauhan nito tungkol sa pagpapatupad ng smoke-free ordinance

LEGAZPI CITY – Nananawagan ang Legazpi City Health Office (CHO) sa management ng grand terminal na magkaroon ng direktiba sa mga tauhan nito tungkol sa pagpapatupad ng smoke-free ordinance sa lunsod.

Sinabi ni CHO Smoke-Free Regulatory Unit Team Leader, Jose Balbin, sa Brigada News FM Legazpi na kaugnay ito ng mga nati-ticketan nila sa nasabing lugar na naninigarilyo sa mismong terminal.

Aniya, nais sana nilang magkaroon ng direktiba nag mga tauhan lalung-lalo na ang mga security guards upang sitahin ang sinumang mahuling naninigarilyo.

Ito umano ang nakikita nilang kakulangan sa management ng nasabing terminal, kung kaya’t papasyalan umano nila ito upang magkaroon ng pagpupulong.

Nakikita nila umano na mahigpit ang management ngunit useless din naman kung hindi nasisita ang mga lumalabag sa ordinansa.

Samantala, sa datos ng CHO, mula noong Enero hanggang sa kasalukuyan, umabot na rin sa 78 ang mga nahuling lumabag sa nasabing ordinansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *