Legazpi City Agriculture’s Office, naglunsad ng mobile boat marking at color coding

LEGAZPI CITY – Inilunsad ng Legazpi City Agriculture’s Office ang mobile boat marking at color coding upang mas madaling makilala ang mga bangka ng mga mangingisda sa lunsod at upang ma-update ang kanilang umiiral na datos.

Ayon kay Committee Chair on Fishery Division at Legazpi City Councilor, Renato Valladolid, plano nilang magrehistro ng 1,100 mobile boats sa 19 coastal barangay mula Marso hanggang Abril ngayong taon.

Aabot sa 300 mobile boats sa tatlong mga barangay ang nakapagrehistro na at nalagyan na ng marka sa mga bangka.

Dagdag pa nito, nais din yang mabigyan ng pansin at ayuda ang mga mangingisda sa lunsod.

Maliban pa rito, magbibigay din ng color identification sa plate number ng bawat bangka sa lungsod upang madaling makilala at inaasahang magsisimula sa susunod na taon.

Sinabi pa ng konsehal na plano nilang gawin ang pagpaparehistro ng mga bangka sa lunsod taun-taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *