Legazpi City, dinaragsa ng mga turista ngayong summer season

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Legazpi City Tourism Office na dinaragsa ang lunsod ng maraming mga turista ngayong summer season.

Ayon kay Tourism Officer, Cristina Agapita Pacres, mas lalo pang nadagdagan ang mga turista dahil sa Magayon Festival kung saan nasa lunsod ang maraming mga akomodasyon, establisimento, transportasyon at mga restaurants.

Maliban dito, hindi rin umano maikakaila na napakaraming mga tourist attractions ang lunsod.

Sinabi niya, maliban sa mga lokal na turista, madalas ding bisitahin ang lunsod ng mga foreign tourist.

Handa umano ang kanilang mga listahan tuwing mayroong mga turista, kaya’t araw-araw din umano itong naa-update.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *