Legazpi City, isa sa mga may mataas na bilang ng mga drug-affected barangays sa lalawigan – PDEA Albay

LEGAZPI CITY – Isa ang siyudad ng Legazpi sa may pinakamataas na bilang ng kaso ng drug affected barangays ayon datos na inilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay.

Sinabi ni PDEA Albay head, Noe Sallan Briguel, sa pagpasok ng taong 2023, nangunguna ang lunsod dahil naitala rito ang 66 drug-affected barangays, na sinusundan ng Ligao City na may 53.

Ayon sa kanya, patuloy ang mga ginagawa nilang aksiyon sa pagpuksa ng iligal na droga sa lalawigan.

Sa katunayan, sunod-sunod ang kanilang mga naging operasyon ngayong taon.

Ito rin umano ang lugar na may highest drug-cleared areas, apat na certified at isang remaining drug- affected area.

Sa kabuuan, mayroon nang naitalang bilang na 625 drug affected, 95 na unaffected, 549 drug cleared barangays, 95 na certified at 76 ang remaining drug affected barangays mula sa labingwalong mga bayan sa lalawigan.

Samantala, nagsasagawa rin ang PDEA Albay katuwang ang PNP ng mga proyekto upang mas lalo pang paigtingin ang pangangampanya laban sa iligal na droga. | MAEDIN DEXISNE

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *