Legazpi City mayor, nais nang ibaba ang discretion sa mga school heads hinggil sa pagsususpinde ng mga pasok

Ninanais at plano ng alkalde ng Legazpi City na magpatawag ng pagpupulong kasama ang mga namumuno sa mga paaralan sa lunsod upang pag-usapan ang pagsususpinde ng mga pasok tuwing may sama ng panahon.

Inihayag ni City Mayor Geraldine Rosal sa Brigada News FM Legazpi na batay din naman sa inilabas ng pamahalaang panlalawigan, ang mga paaralan naman ay maaaring magsuspinde ng mga pasok kahit walang advisory mula sa pamahalaan.

Aniya, nais niyang makausap ang mga school heads upang maging malinaw ang bagay na ito. Para sa kanya, maaari rin naman umanong magsuspinde ang mga paaralan depende sa sitwasyon, dahil maging sila, ang LGU, ay naghihintay din lamang sa rekomendasyon ng PDRRMC kung kaya nagkakaroon ng mga late announcements.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *