Legazpi City mayor Rosal, kasama sa mga itinanghal na top performing city mayor 2022 sa buong bansa

Nakasama sa itinanghal na top performing city mayors si Legazpi City mayor Geraldine Rosal sa ginawang extensive statistical research ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) nitong 2022 kung saan nasa ikawalo ang alkalde sa mga ginawaran sa buong Pilipinas.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi sa nasabing alkalde, sinabi niyang ang isa sa mga sikreto kung bakit nagkakaron ng gayong awards ang LGU ng nasabing lunsod ay ang pagtutulungan ng mga departamento.

Aniya, ang kanilang mga programa ay balance at hindi lamang naka-pokus sa isa tulad ng sa imprastraktura ngunit binibigyan din ng pansin ang iba pang mga sector.

Umaambag umano sa kanila ang pagkakaroon ng teamwork at mga magagandang programa/gawain na magbebenepisyo sa mga nasasakupan.

Hindi umano makukuha ang nasabing pagkilala kung hindi dahil sa tulong at suporta ng mga namumuno bawat departamento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *