Legazpi City Mayor sumulat na rin sa DOE re: mahal na presyo ng kuryente sa Albay; average price base sa EPSA, binigyang-diin

BICOL—Nanawagan na rin si Legazpi City Mayor Noel Rosal kay Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi na bigyan ng atensyon ang hinaing ng mga konsyumer sa mahal na singil sa kuryente sa Albay.

Sa pamamagitan ng sulat, ipinahayag ng alkalde na dapat maipaliwanag ng ahensya kung bakit hindi pinagbigyan ang kahilingan ng Albay Power and Energy Corporation (APEC) para sa certificate of exemption sa power rate increase.

Nagulat umano ang mga Legazpeño sa biglaang pagpatong sa singil ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Ayon sa alkalde, masaydong mataas ang presyo sa Albay kung pagbabasehan ang Emergency Power Supply Agreement (EPSA) ng APEC na nasa ilalim ng San Miguel Power Corporation.

Base sa EPSA, umaabot lamang sa P5.47 ang average price ng kuryente habang ang average ng WESM ay umaabot ng P6.85.

Ayon kay Rosal, marami ang umaaray at lubhang apektado ang mga konsyumer ng ganitong sistema kung kaya hiling nila ang agarang tugon.#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *