Legazpi City nanguna sa may pinakamataas na fully vaccinated individuals sa Albay; pumalo na sa 89%

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Health (DOH) Bicol na tanging ang Legazpi City ang pinakaraming nabakunahan, na umabot sa 161, 630 o 109%.

Ayon sa tanggapan, ang Legazpi pa rin ang nangunguna sa fully vaccinated na may 89% habang nasa 13, 987 na lang remaining unvaccinated sa lungsod.

Pumapangalawa naman ang lalawigan ng Catanduanes na fully vaccinated na pumalo na sa 78% at 24, 885 na lamang ang natitirang dapat na mabakunahan sa nasabing lalawigan.

Pinakamababa rin na nakakuhang fully vaccinated ang lalawigan ng Masbate na may 42%.

Aabot din sa 255, 952 ang kailangan pang bakunahan sa Masbate.

Sa ngayon, patuloy din naman ang pagbabakuna sa 1st at 2nd dose sa buong Bicol Region laban sa covid 19 at Omicron variant.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *