Legazpi City Vet Office, umaasang maaabot nila ang target na mga asong mababakunahan sa isasagawang mass vaccination

LEGAZPI CITY – Umaasa ang Legazpi City Veterinary Office na maaabot nila ang target na mga asong mababakunahan sa isasagawang mass vaccination.

Ayon kay City Veterinarian, Dr. Emmanuel Estipona, 98% ang kanilang itinalang target sa pagbabakuna ng rabies vaccine sa mga aso sa lunsod.

Aniya, marami na ang mga nakapagpa-register at schedule na mga dog owners upang mabakunahan ang kanilang mga alaga.

Layunin ng aktibidad na ito na mabawasan ang mga kaso ng rabies na nakakaapekto rin sa mga tao, gayundin upang mabawasan na ang populasyon ng stray dogs sa lunsod.

Sinabi ni Estipona, mababakunahan ang lahat ng mga aso basta’t nakarehistro ito sa kanilang mga barangay, kung saan ang mga barangay health workers ay naglilibot upang magschedule.

Sa oras na mayroon na umanong listahan ng mga nakapagrehistro, kanila itong ipapasa sa City Vet upang maihanda ang bilang ng mga bakunang gagamitin.

Samantala, pinostpone naman kamakailan ang nakaschedule na pagbabakuna dahil sa sama ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *