Legazpi City Water District (LCWD), nagpaliwanag hinggil sa reklamong natanggap mula sa konsumidor na may kinalaman sa biglaang-taas at baba ng singil sa tubig

LEGAZPI CITY – Nagbigay ng pahayag ang Legazpi City Water District (LCWD) hinggil sa reklamong natanggap mula sa isang konsumidor na may kinalaman sa biglaang-pagtaas at pagbaba ng singil sa tubig.

Sa pahayag ng hindi pinangalanang kunsomidor, noong Disyembre 2022 pa lamang siya nag-apply at nagparehistro, subalit sa pagpasok ng Enero 2023 ay bigla siyang binulaga ng bill may PHP 6,000 ng singil, at pagsapit naman ng buwan ng Pebrero ay bigla itong bumaba sa nasa PHP 200.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay LCWD General Manager Jesus Enrico Moises B. Salazar, sinabi niyang nagkaroon ng inspeksyon sa metro ng nasabing kunsomidor at napag-alamang bago at hindi pa nagagamit ang mga ito, ngunit hindi umano ito ang dahilan.

Aniya, sa una, ang nakikita nilang dahilan ay ang kanyang konsumo sa unang buwan; kung hindi umano ito sa kanya, dumaan pa rin ito sa kanyang metro dahil maayos naman ang pipes ng LCWD papunta sa kanya, maaaring nagkaroon din ng leak.

Ngunit sa pagsagawa ng inspeksyon sa pangalawang pagkakataon, nadiskubreng wala namang leak ang metro ng konsumidor na nangangahulugang maaaring naayos na batay sa nakita sa mga larawan.

Isa rin umano sa posibleng dahilan ay maaaring mayroong napabayaang bukas na mga gripo sa kanilang bahay, kung kaya mataas agad ang singil sa kanya sa unang buwan.

Dagdag pa Salazar, metro lamang ang kanilang pinagbabasehan sa mga ganitong uri ng mga suliranin.

Paalala niya sa publiko, ugaliing i-check ang bawat konsumo sa loob ng bahay at ang posibilidad na magkaroon ng leaks upang maiwasan ang ganitong uri ng mga problema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *