Legazpi Community College, pansamantalang itatayo sa hilagang bahagi ng lunsod

LEGAZPI CITY – Inihayag ni Legazpi City Mayor Geraldine Rosal na pansamantala munang ilalagay ang magiging Legazpi City Community College sa hilagang bahagi ng nasabing lunsod partikular sa Brgy. Buyoan.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi sa alkalde, sinabi niyang ang orihinal na plano ay itatayo ito sa Brgy. Homapon, subalit nagkaroon umano ng problema sa site.

Aniya, may nakita silang isa pang edipisyo na hindi pa nagagamit, kung kaya napagpasiyahan nilang doon na muna pansamantalang ilalagay ang nasabing kolehiyo, habang naghihintay na magkaroon ng pondo para sa bagong gusali.

Pansamantala ay lalagyan muna ito ng mga TESDA courses at maaaring sa susunod na taon pa mailalagay ang mga regular na kurso kung saan partner ang CHED.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *