Legazpi CPS, pangatlo sa most compliant CPS sa 2022 NAPOLCOM evaluation and inspection

LEGAZPI CITY – Nasungkit ng Legazpi City Police Station ang pangatlong pwesto sa Most Compliant City Police Station sa buong Bicol Region sa isinagawang 2022 NAPOLCOM Evaluation and Inspection.

Ang parangal na ito ay tinanggap ni PLt. Col. Dennis Balla, Chief of Police ng nasabing himpilan.

Ipinapakita umano ng pagkilalang ito na ang kanilang mga tauhan ay marangal at naibibigay ang seguridad at kaligtasan sa kanilang nasasakupan.

Tinyak naman nila na ipagpapatuloy ang maayos na serbisyo-publiko at pagkakaroon ng magandang ugnayan sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *