Legazpi Happy Lanes balik operasyon na matapos ang temporary closure

LEGAZPI CITY – Muling binuksan na ang Happy Lanes o street foods sa Barangay Tinago ng lungsod ng Legazpi upang makapaghanapbuhay ang mga nagtitinda.

Ito ang inihayag ni Andy Marbella ang heag ng Task Force Kaayusan at Kalinisan ng Lungsod sa Brigada News FM Legazpi.

Ayon kay Marbella, muling makakapagtinda na ang humigit kumulang sa 20 vendor sa Happy lanes ng nasabing barangay matapos maipasara pansamantala dahil sa pagtaas o pagdami ng kaso ng covid 19 Legazpi.

Aniya, nakiusap rin umano ang mga nagtitinda sa Alkalde na kung maaari ay payagan ang mga ito na makapaghanapbuhay o makabalik sa pagtitinda sa lugar dahil sa wala ng kinikita ang mga ito at wala na rin maibabayad sa bill ng kuryente at tubig.

Dahil dito ay pinayagan naman ni Mayor Rosal ang mga vendor na makapagtinda sa lugar.

May mga inilatag rin ang Alkalde na polisiya para makaiwas sa covid 19.

Maaaring apat lamang ang magiging customer para sa mga kainan habang sa mga tusok tusok ay kailangan panatilihin ang physical at social distancing at pagsusuot ng facemask.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *