Legendary rock star – Tina Turner, pumanaw na sa edad na 83

PUMANAW na sa edad na 83 ang tinaguriang Queen of Rock ‘n’ Roll na si Tina Turner.

Batay sa kumpirmasyon ng kanyang publicist, binawian ng buhay ang legendary singer nitong Miyerkules matapos ang mahabang panahon na pakikipaglaban sakanyang mga sakit.

Matahimik na namayapa ang mang-aawit sa kanyang tirahan sa Zurich, Switzerland ngunit sa kasalukuyan ay humihingi ng privacy ang kanyang mga pamilya at kaanak para makapag luksa.

Nitong mga nagdaang taon, na diagnosed si Turner ng ilang mga seryosong karamdaman gaya ng stroke, intestinal cancer at total kidney failure.

Nakilala si Tina Turner bilang isa sa mga most commercially successful international female rock stars dahil sakanyang kakaibang karisma sa paghataw at pag-awit sakanyang mga performance sa loob ng mahigit 50 taong karera na naging daan upang tumanggap siya ng mga parangal mula sa Grammys, American Music , World Music at maraming iba pa.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *