Leisure travel mula Bataan hindi muna papayagan ng Zambales at SBFZ

Hindi na muna tatanggap ng mga leisure travel ang lalawigan ng Zambales at Subic Bay Freeport Zone mula sa Bataan.

Ito ay matapos na isailalim sa Moddified Enhanced Community Quarantine o MRCQ ang Bataan alinsunod na rin sa National IATF resolution.

Tanging mga essential travel lamang ang papayagang makapasok pero ang pamamasyal ay hindi na muna papayagan.

Matatandaan na dahil sa tumataas na kaso ng covid-19 sa Bataan ay inutos ng IATF na sumailalim muli ito sa MECQ mula nitong June 16 at tatagal ng June 30, 2021.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of one or more people and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *