Leisure travel mula NCR – GCQ at MGCQ areas, papayagan– DOT

Papayagan ng Department of Tourism (DOT) ang ilang residente ng National Capital Region (NCR) na makapag leisure travel sa mga lugar na nakasailalim sa general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ).

Pero pinaalalahanan ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na may ilang tourist destinations ang nagpapatupad ng kanilang sariling restrictions gaya ng Baguio City na pinapayagan lamang na makapasok ang mga fully-vaccinated na indibidwal.

Mas mainam rin umano na tiyakin muna sa destinasyon na LGU kung tumatanggap ang mga ito ng turista.

Samantala, bukas na muli ang Intramuros at Rizal Park sa mga may edad 18 hanggang 65 at sa kahit anong COVID-19 vaccination status nito.

Isinusulong naman ng DOT sa IATF na payagan na ang mga fully vaccinated na may edad 65 pataas na bumisita sa Intramuros.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *