Leni, Bongbong at ilang presidential aspirants nakaboto na

Maagang pumila ang ilang kandidato sa pagka-pangulo at pangalawang Pangulo sa kani-kanilang mga presinto para bumoto.

Walang pang alas-siyete kaninang umaga ay natapos nang makaboto si Presidential aspirant Panfilo Ping Lacson sa Bayan Luma Elementary School sa Imus, Cavite.

Suot ang pulang damit, maaga rin sa pagboto ang Labor leader at presidential candidate Leody de Guzman sa Cainta elementary School sa Rizal.

Samantala kasabay naman ni presidential bet Bongbong Marcos Jr., ang kanyang anak na si Sandro Marcos III, at pamangkin na si incumbent Ilocos Norte Governor Matthew Marcos-Manotoc sa pagboto sa Mariano Marcos Memorial Elementary School sa bayan ng Batac.

Bago magtanghali nakaboto na rin si Manila Mayor Isko Moreno sa Magat Salamat Elementary School Tondo Manila.

Habang si Vice President Leni Robredo ay sa Carangcang Elementary School sa Magarao, Camarines Sur ginawa ang pagboto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *