LGBT club shooter sa Colorado, mahaharap sa hate crimes charges

Maaring mahatulan ng hate crime charges ang suspek sa pagpatay ng limang indibidwal sa Club Q sa Colorado.

Sa unang pagharap ni Anderson Lee Aldrich sa Korte, ibinaba ng Korte ang desisyong manatili ito sa kustodiya nang walang inirerekumendang piyansa.

Kabilang sa inisyal na mga reklamong posibleng kaharapin niya ay limang counts ng first-degree murder, at bias-motivated charges, ‘o ‘yung ‘hate crime’.

Samantala, ginamit ng abugado ng suspek sa court fillings ang pangalang ‘Mx. Aldrich’ dahil ito raw ay isang non-binary at gumagamit ng ‘they/them’ pronouns.

Sa kabila nito, sinabi ni Fourth Judicial District Attorney Michael Allen na ang gender status ng suspek ay walang kinalaman sa kinaharap nitong kaso.

Opinyon ng prosecutor, wala itong maidudulot o mababago sa kaso, at “physically competent” si Aldrich para sa kanyang charges.

Sa kabuuan, 17 na indibidwal ang tinamaan sa pamamaril, 11 rito ay nananatili pa rin sa ospital.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *