LGU Basud ipinatigil ang pagdaragdag ng mga establishment sa Mangcamagong Boulevard sa Camarines Norte

BASUD CN- Ipinatigil ng munisipyo ang pagtatayo ng mga karagdagan pang establishment sa Mangcamagong Boulevard sa bayan ng Basud Camarines Norte.

Ito ay sa gitna ng tila kabute na pagsulputan ng mga makeshift establishment sa lugar at ang isa nga dito ay animo’y permanent structure dahil kongreto.

Ayon kay Mayor Adrian Davoco, ipinatigil na nila sa barangay na madagdagan pa ang mga establishment at bubuo na rin umano ng ordinansa ang lokal na pamahalaan upang i- regulate ito.

Ngayong Linggo ay muling magpupulong ang LGU at Department of Environment and Natural Resources upang pag- usapan ang mga gagawing polisiya sa unti- unti na ngayong nakikilalang pasyalan sa lalawigan ng Camarines Norte.

Mayroon ding usaping patungkol sa right of way kaya’t napag usapan na itulak ang mga establishment sa labas nito kung magbigay din ng pahintulot ang DENR sa pagtatayo ng mga struktura.

Patuloy naman ang paalala ng barangay sa mga pupumunta at namamasyal sa boulevard na panatilihing malinis ang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *