LGU Basud magsasagawa ng livelihood training para sa Commercialization ng Dilis

CAMARINES NORTE- Nakatakdang magsagawa ng livelihhood training on commercialization of dried anchovies o mas kilala sa tawag na “dilis” ang lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office (MAO)

Kaugnay nito ay sumulat sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) si Municipal Agriculturist Harry James Felomino para hingin ang tulong ng una sa pagsasagawa ng livelihood training.

Nakasaad sa sulat na ang LGU sa pamamagitan ng MAO ay may mandatong magsagawa ng training programs o iba’t- ibang livelihood activities para sa fisherfolks, housewives, at mga organisasyon na naglalayong labanan ang problema sa kawalan ng trabaho ng marginalized fisherfolks.

Isa na nga dito ang training on commercialization of dried anchovies o dilis.

Ito ay para maituro sa mga participant ang labeling at packaging technology sa grupo ng small and medium entrepreneur na tinukoy na miyembro ng samahan na benepisyaryo ng Community Fish Landing Center (CFLC).

Hiniling ng naturang LGU sa pamamagitan ng MAO sa BFAR ang resource speaker sa pagsasagawa ng training na target gawin sa huling linggo nitong buwan.

Inaasahang malaki ang maitutulong ng naturang training para sa kabuhayan ng marginalized fisherfolks

.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *