LGU Basud nakatanggap ng pagkilala dahil sa masigasig na pagsasagawa ng Mobile Blood Donation

CAMARINES NORTE – Nakatanggap ng pagkilala ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud dahil sa masigasig at walang-sawang pagsasagawa ng Mobile Blood Donation noong pandemic hanggang sa kasalukuyan.

Ginawa ang 2023 Zonal Recognition” Gabi ng parangal at Pagpapasalamat sa isang hotel sa Lungsod ng Naga.

Personal na tinanggap ang award ni Municipal Health Officer Dr. Joel Paolo A. Delos Reyes.

Noon lang Oktubre ay naabot ng MHO ang kanilang target na 180 bags ng dugo para ngayong quarter sa isinagawang Mobile Blood Donation Activity na bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan. Importante ang mga mobile blood donation para matugunan ang pangangailangan sa dugo lalo na ng mga taga Camarines Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *