LGU Camalig, Albay makikiisa sa gawaing national vaccination day ngayong araw

Tatlong araw rin magsasagawa ng pagbabakuna ang Local Government Unit (LGU) Camalig Albay para sa National Vaccination Day.

Ito ang nakuhang impormasyon ng Brigada News FM Legazpi mula sa Alkade na si Caloy Baldo ng Camalig.

Ayon kay Baldo, makiisa o makikilahok ang nasabing bayan na National Vaccination Day upang maging isang bayani sa bayanihang bakunahan magpabakuna!.

Ang LGU Camalig ay magkakaroon rin ng pagpapakalat ng tamang impormasyon sa bakuna.

Hihikayatin at tulungang magpabakuna ang mga kapamilya at mga kaibigan upang mabigyan ng proteksyon laban sa covid 19.

Ngayon araw ay isasagawa ang pagbabakuna sa Camalig National High School at Tumpa Covered Court para sa 12-17 anyos at 18 anyos pataas.

Bukas isasagawa rin ang pagbabakuna sa Camalig National High School at Tagaytay covered court kung saan babakunahan ang mga nasabing edad. December 1 sa Camalig Nationa High School at December 2 sa Barangay Quirangay Covered Court.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *