LGU Camalig, Albay, nag-alay ng misa para sa mga nasawing biktima ng Cessna 340 plane crash

Nag-alay ng misa ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Camalig, Albay, kahapon, Pebrero 26, para sa mga nasawing biktima ng pagbagsak ng Cessna 340 plane.

Pinangunahan ito ni Bishop Joel Baylon kasama sina Mayor Caloy Baldo, Dr. Cedric Daep ng APSEMO at dumalo rin ang Albay PPO, PA, EDC at iba pa.

Ayon kay Baldo, isa sa mga layunin ng misa ay ang ipagdasal ang kaligtasan ng mga responders sa kanilang pagsisikap na maibaba ang mga bangkay.

Aniya, pipilitin pa rin umano ng mga responders na maibaba ang mga labi ngayong araw.

Samantala, pahirapan pa rin ang pagbababa sa mga labi dahil sa banta ng masamang panahon sa lalawigan.

Sa oras na maibaba ang mga ito, iti-turnover ang mga labi sa SOCO at dadalhin sa punerarya.

Kung matatandaan, nitong nakaraang Sabado, Pebrero 25, ay na-retrieve na ng responders ang kinaroroonan ng mga bangkay at sinubukan agad itong maibaba patungo sa base camp, ngunit nauudlot dahil sa sama ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *