LGU Camalig, Albay, naghahanda na sa pagbabalik ng Pinangat Festival

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng lokal na pamahalaan ng Camalig, Albay na sila ay naghahanda na sa pagbabalik ng Pinangat Festival.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay, PIO Tim Florence, sinabi niya na ito ay isa sa mga inaabangan ng mga residente sapagkat halos magtatatlong taon ding natigil dahil sa COVID-19-related restrictions.

Ngayon, aniya, ay tuloy na tuloy na ang pagbabalik nito, ngunit sa ngayon ay wala pang eksaktong petsa, ngunit target nila ang early week ng Hunyo.

Aniya, nakapokus pa rin ang pagdiriwang nito sa culture and heritage ng bayan, kaya’t anumang aktibidad na may kinalaman sa pinangat ay mapapaloob sa kanilang paghahanda.

Katulad nito ay ang pinangat baking, Mutya, festival masses, at iba pa; iki-cater din umano ang iba pang mga sektor sa bayan at bibigyan ng aktibidad, at sisiguraduhing lahat sa kanila ay mag-eenjoy kung kaya’t magkakaroon din ng battle of the bands, SK nights, reggae fests, at marami pang iba.

Sisikapin nial umano na magiging masaya at kaabang-abang ang pagdiriwang lalo pa’t ilang taon din itong hinintay ng karamihan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *