Local News

LGU Camalig, mas papalakasin ang mga programa sa family planning at early pregnancy prevention

LEGAZPI CITY – Pinaplano ng lokal na pamahalaan ng Camalig na mas palakasin pa ang mga programang may kinalaman sa family planning at early pregnancy prevention sa bayan.

Ayon sa impormasyon, nilagdaan na ang MOA sa pagitan nila at ng Commission on Population (POPCOM) para sa pag-localize at pag-institutionalize ng population management.

Anila, mas papalakasin din umano nito ang mga programa pagdating sa usapin tulad ng maternal and child health at responsible parenthood.

Dahil din sa nakikita nilang pagtaas ng populasyon sa bayan, mahalaga umano ito sa pagsulong ng public health upang matiyak na ang bawat pamilya ay may prebilehiyo sa kinakailangang mga serbisyo at impormasyon sa kalusugan.

Binigyan din ng POPCOM ang Camalig ng health-related panels na maaaring gamitin sa pagsagawa ng IEC campaigns na may layong masolusyunan ang mga problemang kinakaharap ng iba’t ibang sektor sa lugar.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago