LEGAZPI CITY – Pinag-aaralan na ngayon ng lokal na pamahalaan ng Camalig, Alba yang posibleng relokasyon ng mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, patikular ang mga nakatira sa loob ng 6km permanent danger zone nito.
Dahil dito, nagsagawa na ang LGU ng consultation meeting kasama ang ilang mga kinatawan ng National Housing Authority (NHA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Nasa halos 800 na mula sa mahigit 900 mga inilaan na lupa sa Baligang Resettlement Site ang na-award na sa mga kwalipikadong benepisyaro.
Sa ngayon ay inatasan ang MSWDO at ang MDRRMO na kunin ang listahan ng iba pang karagdagang kwalipikadong benepisyaryo para sa 132 natitirang lot allocations.
Patuloy naman na ginagawa ng LGU ang kanilang bahagi upang makalikom ng halaga para sa konstruksyon ng mga bahay.