LGU Capalonga hinikayat ang publiko na magpabakuna kontra COVID- 19

CAMARINES NORTE- Hinimok ng Lokal na Pamahalaan ng Capalonga ang publiko partikular ang mga constituents  nito na magpabakuna kontra COVID- 19.

Kaugnay pa rin ito sa nagpapatuloy na vaccination hindi lang sa naturang bayan kundi sa buong lalawigan.

Sa pamamagitan ng official social media account ng naturang LGU, inihayag nito na batay umano sa naitalang mga nagpabakuna ay zero percent ang namatay dahil sa bakuna kaya iwasan umano ang pakikinig sa mga balitang may side effect ito o hindi magandang resulta.

Una na ring inihayag ng Department of Health na posibleng magkaroon ng flu like symptoms o iba pang kakaibang pakiramdam ang isang nabakunahan pero normal lamang umano itong reaksyon ng katawan.

Batay sa datos ng DOH nasa 20, 960 na ang nabakunahan sa lalawigan ng Camarines Norte as of June 16, 2021.

Sa 13, 250 nasa 12, 192 na ang nabigyan ng first dose o 92 percent habang  nasa 70 percent naman ang nabigyan na ng second dose makaraang mabakunahan ang 5, 361 sa 7, 710.

Nakatakda namang dumating sa lalawigan ng Camarines Norte ngayong araw ang karagdagang 1, 600 doses ng CoronaVac vaccines ng Sinovac

Ang naturang dose ng bakuna ay gagamitin pa rin para sa Priority Groups na A1, A2 at A3, o sa mga health workers, senior citizens at persons with comorbidities.

(photo courtesy: New LGU Capalonga)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *