LGU Casiguran at Provincial Government, sabay na tututukan ang bilihan ng palay mula sa mga magsasaka sa mataas na halaga

Nakikipag- ugnayan ang lokal na Pamahalaan ng Casiguran sa Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon upang mas lalo pang maganda ang kalagayan ng kanilang magsasaka sa pamamagitan ng pagbili sa mga ito ng mas mahal na presyo kada kilo ng palay na maaring ibenta sa National Food Authority bilang buffer stocks ng ahensya.

Ayon kina Mayor Mines Ems Hamor at Vice Mayor Dennis Escudero, maari naman nilang gawin ang ginawa ng ilang mga bayan gaya ng Barcelona at Pilar na naglaan ng pondo upang dagdagan ng piso hanggang P3 kada kilo ang mabebentang palay sa NFA ngunit may plano naman raw para rito ang Pamahalaang Panlalawigan kung kayat makiki pag tie-up nalang sila sa lahat ng hakbang nito para sa mga rice farmers.

Nakilala ang bayan ng Casiguran pagdating sa pagbibigay ng suporta sa mga rice farmers matapos nitong ipatupad ang 0% interest fertilizer loan na malaki ang naitulong sa mga magsasaka.

 Dahilan ito kung kaya’t sinisiguro ng bagong administrasyon na mas palalakasin pa nila ang mga ayuda para sa mga magsasaka lalo na ngayong nagmamahal ang mga abono at mababa ang bilihan ng palay na naglalaro lamang sa P19.00 kada kilo; hindi pa rito kasama ang mapang- abusong mga rice traders na binibili ito ng mas mura sa halagang P16-17 lamang kada kilo na nais mapigilan ng LGU sa pamamagitan ng kanilang mga programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *