Kinumpirma ng lokal ng pamahalaan ng bayan ng Daraga, Albay, na mayroon na silang lead sa pagkakakilanlan ng scammer na umano’y humihingi ng solicitation gamit ang pangalan ni Mayor Awin Baldo.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Honey Beth Sullivan, Public Information Officer (PIO) ng LGU, sinabi niyang mayroon na silang lead na sila sa nasabing scammer ngunit hindi pa rin nila ito isinasapubliko dahil patuloy pa rin ang proseso ng imbestigasyon.
Nilinaw din ni Sullivan na ang lahat ng kanilang transaksyon sa lugar ay may lagda ng alkalde at sa Tourism Officer.
Kung matatandaan, nitong nakalipas na Sabado, Pebrero 4 nang maglabas ng anunsyo sa publiko ang LGU ukol sa paggamit ng pangalan ng alkalde sa isang solicitation sa iba’t ibang establisyemento kapalit ang pagsponsor umano nito sa Arangkada Cagsawa Festival na ginaganap ngayon sa lugar.