LGU-IMT Camalig, Albay, target magsagawa ng operational debriefing matapos ang matagumpay na operasyon sa Cessna plane crash

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Incident Management Team (IMT) ng lokal na pamahalaan ng Camalig, Albay na magsasagawa ng operational debriefing kasunod ng matagumpay na operasyon sa Cessna 340A planae crash.

Ayon dito, target na agaran itong maisagawa mula sa admin, assault team, support, logistics, management at communication.

Layunin ng aktibidad na makabuo ng balangkas sa actual operation procedure na ginawa ng mga responders sa loob ng labintatlong araw.

Dahil dito, ibabahagi ng bawat dumalo ang kanilang mga ideya, istratehiya at policy recommendations sa nasabing operasyon.

Ito na rin umano ang magiging batayan sa pagbuo ng Aviation Incident Operations Manual kung saan sakop dito ang mga kasanayan na magiging gabay at official protocols.

Dagdag pa rito, ang naturang talakayan ay malaking tulong upang masuri at magkaroon ng assessment sa naging problema at upang mabawasan ang tiyansa ng pagkakaroon ng psychological damage na iniwan ng trahedya sa mga indibidwal at mga kasali sa operasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *