LGU Jose Panganiban nagpatupad ng mandatory home quarantine sa mga empleyadong nakasalamuha ng residenteng nagpositibo sa COVID-19

CAMARINES NORTE – Sumasailalim ngayon sa mandatory Home quarantine ang mga empleyadong nakasalamuha ng isang nagpositibo sa COVID-19 base sa ipinatupad na kautusan ni Mayor Ariel M. Non.

Kung matatandaan, Huwebes noong June 24, nagpositibo ang dalawang residente sa naturang bayan at sa isinagawang contact tracing napagalaman na ang isa dito ay galing sa Municipal Hall Building upang makahingi ng tulong.

Kaugnay nito, Ipinag utos naman agad ni Mayor Ariel Non ang Mandatory Quaratine para sa mga empleyadong nakasalamuha ng nasabing nagpositibo sa virus at ipinag utos na lang na mag-Work from Home upang makasiguro sa kaligtasan ng bawat isa.

Gayunpaman siniguro ng alkade na tuloy pa rin ang serbisyo ng mga ito sa residente ng naturang lugar

Sila ay naglagay ng Virtual Assistance Online Set-Up sa tanggapan ng Alkalde  upang ang lahat ng Concern ay patuloy pa ring matugunan gamit ang Video Call

Sa pamamagitan naman nito direktang nakakausap ang mga empleyadong kabilang sa Home Quarantine Arrangement.

Samantala, ipinagbigay alam naman ng naturang LGU sa publiko na hanggang alas 4:00 lamang ng hapon ang kanilang transaksyon upang mailaan ang isang oras sa pag di-disinfect kada araw sa bawat tanggapan ng Pamahalaang Bayan

(Photo: PIO Jose Panganiban)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *