LGU Jose Panganiban sinimulan na ang pagpapagamit ng Stay Safe App para sa digital contact tracing system

CAMARINES NORTE- Sinimulan ng ipatupad ng Pamahalaang lokal ng bayan ng Jose Panganiban ang paggamit ng stay safe app

Sa pamamagitan ng Administrative at Executive Order ni Mayor Ariel M. Non na ipinalabas kamakailan ay ipinag-utos nito ang paggamit ng Stay Safe App bilang opisyal na digital contact tracing system ng naturang LGU

Una ng ipinatupad ang implementasyon nito sa Municipal Building at sunod na rin itong magiging mandatory sa lahat ng establisyimento batay na rin sa ipinalabas na direktiba ng DILG para sa pag-issue ng Safety Seal.

Kinakailangan lamang na idownload ang StaySafe.PH app mula sa Apple Store o Play Store, gumawa ng account, at i-scan ang QR Code tuwing papasok at lalabas ng gusali.

Sa pamamagitan ng paggamit ng nasabing app, magiging contactless at paperless na ang contact tracing at mas mapapabilis din ang pagsususog sa mga posibleng nakasalamuha ng nagpositibo sa COVID-19.

(photo courtesy: PIO Jose Panganiban)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *