LGU Lagonoy kinondena ang pagpatay sa 11-anyos na Grade 6 pupil

NAGA CITY- Kinondena ng lokal na pamahalaan ng Lagonoy, Camarines Sur ang pagpatay sa isang 11-anyos na Grade 6 pupil.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Vice Mayor Jerry Jake Remoto na maging siya ay hindi matanggap na nangyari ito sa kanilang bayan. May tama ng matalim na bagay na tila sinaksak sa may leeg at sa may bahagi ng dibdib. Wala pa man ang pinal na resulta ng imbestigasyon naniniwala ang bise alkalde na hindi ito aksidente.

Hiling ng opisyal sa PNP ang malalim na imbestigasyon sa lugar lalo na sa pinangyarihan.

Sa ngayon hinihintay ng mga otoridad ang resulta ng pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO)

Mababatid na natagpuan ang bangkay  sa may ilog bandang alas-3 ng hapon nitong Mayo 9, 2023.

Sa impormasyong nakuha ng Brigada News FM sa kaanak ng biktima sinabing masipag mag-aral si Jean, pursigido kahit na naglalakad lagi ng 30-minuto papasok at pauwi mula paaralan. Madalas namang may kasama. Noong araw na iyon, umuwi si Jean ng tanghali dahil naiwan ang kaniyang baon , pinapaabsent na sana ng ina ng hapon dahil may pupuntahan ngunit pumasok pa at naglakad ng mag-isa, pero iyon na pala ang huling araw niya sa eskwela.

Hustisya ang sigaw ng pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *