LGU Limay, may abiso sa mga kukuha ng vaccination certificate sa bayan

Nag-abiso ang lokal na pamahalaan ng Limay, Bataan sa mga mamamayan nito na kukuha ng vaccination certificate o vaxcert na suriing maigi ang impormasyong nakatala sa vaccination card na natanggap buhat ng mabakunahan kontra covid-19.

Ito ay para mairehistro sa link ng gobyerno at masiguro ang authenticity ng rekord sa bakuna.

Dahil dito, pinasisiguro na tama ang mga impormasyon kagaya ng spelling ng pangalan, edad, araw ng kapanganakan at kasarian na nakalagay sa vaccination card.

Samantala, kapag nairehistro na sa system ay maaari rin itong magamit ng mga mamamayan na nagnanais na mangibang bansa.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO

May be an image of one or more people and text that says 'Ang Guard Calcium Ascorbate ay nakakatulong sa pagpapabilis ng paggaling ng sugat dahil sa tagalay nitong vitamin c. Shop now Lazada ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *