LGU-Magallanes, patuloy na pinag-aaralan ang pagbaba ng presyo ng isda sa kanilang bayan

PINAG-AARALAN pa rin ng Pamahalaang Bayan ng Magallanes kung paano nila mapapababa ang presyo ng isda sa kanilang bayan.

Ayon kay Mayor Maria Elena Ragrario – alkalde ng nasabing bayan, problema umano nila ngayon ang mataas na presyo ng isda sa kanilang lugar.

Paliwanag nito, kahit sa kanilang bayan mismo galing ang mga huling isda ay mataas pa rin umano ang presyo nito pagdating sa palengke.

Nauna na umanong nilang nabigyan ng aksyon ang problema sa presyo ng baboy sa kanilang bayan,  kaya sa ngayon ay nasa proseso umano sila ng pagbabalangkas ng mga alituntunin para matugunan ang usapin sa presyo naman ng isda.

Hihikayatin ng opisyal ang mga lokal na negosyante sa bayan na unahin munang suplayan ang kanilang public market bago ilabas ang mga isda sa ibang bayan upang sa ganon ay maiwasan ang pagdami ng mga middlemen na nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng isda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *