CAMARINES NORTE- Nagpatawag ng pagpupulong ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes, Camarines Norte sa mga opisyal ng Mercedes Jeepney Drivers Association para pag usapan ang tungkol sa schedule ng kanilang pamamasada.
Kaugnay ito ng ilang reklamo at suliranin ng mga pasahero nang bumalik na sa normal full seating capacity ang isang pampasaherong jeep.
Kung maalala ay ipinatupad ng IATF ang social distancing sa bawat pasahero dahil sa COVID 19 kung kayat halos 50% mula sa orihinal na bilang ang maaaring sumakay.
Paliwanag ng transport sector Chairman Roel Reyes na 48 unit ang kabuuang jeep na may rutang Mercedes, pero dahil sa atas ng IATF hinati nila sa tatlong grupo .
Ibig sabibin 16 na jeep ang papasada sa isang araw, habang pahinga naman ang 2 grupo.
Kaya naman nang ipatupad na ang ful face-to-face classes ng mga estudyante sa huling bahagi ng nakaraang taon at isang daang porsiento na ring pumapasok sa trabaho ang mga empleado naging pahirapan na ang pagsakay partikular sa umaga mula sa centro ng Mercedes patungong Daet.
Dahil kakaunti ang jeep ang isang pasahero ay gumugugol ng mahabang oras sa paghihintay at napakahaba naman ng pila ng pasahero sa oras ng uwian.
Kaya napagkasunduan na gagawin nang 50% ang jeep na lalabas kada araw katumbas ng 24 unit para mas ma- accommodate ang maraming pasahero.
Pinangunahan ni Mayor Alexander Pajarillo ang pagpupulong kung saan presente rin ang hepe ng Mercedes MPS na si Police Major Romeo Hugo, at iba pang kinatawan ng transport sector.
