LGU Mercedes muling sinimulan ang libreng pagpapakain sa bawat Barangay sa mga batang edad 6 na buwan hanggang 3 taong gulang

CAMARINES NORTE – Sinimulan na uli ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Mercedes ang libreng pagpapakain sa mga batang edad 6 na buwan hanggang 3 taong gulang.

Ayon sa Municipal Infromation Office ang programa ay sa pamamagitan ng “RIMO” o Rice Monggo na libreng ibinigay sa mga kanila sa ilalim ng Complementary Feeding & nutrition rehabilitation program ng Department of Science and Technology o DOST.

Naglalaan ng pondo ang LGU at sinimulan ito noon pang 2014 na ipinagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.

Ito ay personal na ibinibigay sa mga bahay bahay sa pamamagitan ng mga staff ng Central Kitchen Department.

Kung maalala, July 2018 nang  tumanggap ng Kabalikat Achievement Award ang LGU Mercedes bilang 1st prize sa most outstanding LGU in Malnutrition Reduction na ibinigay ng DOST Food and Nutrition Research Institute (FNRI).

Ayon sa LGU, iba pa ito sa School Base Feeding Program ng munisipyo na ang mga mag- aaral naman ang benefisciaries dito.

Kumpiyansa ang LGU na dahil sa programa ay  unti unti nang nababawasan ang mga batang kulang sa timbang at ang severly wasted.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *