LGU Naga at BMC pormal nang humingi ng dagdag na bakuna sa DOH

NAGA CITY- Pumirma sa isang sulat si Mayor Nelson Legacion at Bicol Medical Center Hospital Chief Dr. Kiko Sales na humihiling sa Department of Health (DOH) ng karagdagang bakuna.

Mababatid na iniuutos ng pamahalaan sa DOH na bigyang prayoridad ang mga lugar na nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ). Sa Bicol Region tanging Naga ang MECQ subalit mas mababa ang alokasyon ng bakuna kumpara sa ibang probinsya ng Bicol.

Una nang sinabi ng DOH –Bicol na wala pa silang direktiba na magbaba ng mas mas maraming supply ng bakuna sa Naga.

Ang Naga City ay MECQ kahit pa hindi ito kabilang sa Top 20 LGUs na may pinakamataas na average daily cases.  May mga bakante rin an mga isolation and treatment facilities.

Ayon pa sa alkalde maaaring naging basehan ang BMC na nasa lungsod kahit pa maraming nasa COVID ward na mga taga Camarines Sur.

Target ng lungsod na nabakunahan kontra COVID-19 ang atleast 70% ng populasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *