LGU-Naga gagamit na ng Solar panel para makatipid sa kunsumo ng kuryente

NAGA CITY – Inihayag ni City Mayor Nelson Legacion na desidido na silang gumamit ng solar panel para makatipid sa babayaring kunsumo sa Camarines Sur II, Electric Cooperative II (CASURECO II) na kung saan umaabot sa P17.30 ang singil per kilowatts  na napakataas kung ikukumpara sa CASURECO I, III at IV.

Grabe aniya ang epekto nito mula sa ordinaryong member/consumers hanggang sa mga negosyante.

Sa panayam kay Legacion ng Brigada News FM Naga, sinabi ng alkalde mas makakatipid ang City Government kung gagamit ng solar panel dahil magiging limitado na lamang ang pag gamit ng kuryente mula sa CASURECO II.

Ayon kay Legacion ang buong city hall complex ay gagamit na ng solar pati na rin ang City Health Hospital samantalang ang Naga City Peoples’s Mall at iba pang mga naitayong pampublikong gusali na pag-aari ng lokal na pamahalaan ay pinag-iisipang lagyan na rin.

Sa ngayon may pagkilos na ginagawa ang LGU sa posibleng tuluyan na ring pagpababa sa taripa ng kuryente sa CASURECO II.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *