LGU siniguro ang asistensya sa mga Covid-19 close contacts sa Camalig, Albay

LEGAZPI CITY – Tiniyak ng Local Government Unit (LGU) Camalig na mabibigyan pa rin ng ayuda ang mga closed contact sa nagpositibo sa corona virus disease (COVID) 19.

Ito ang inihayag ni Mayor Caloy Baldo ng Camalig Albay.

Ayon kay Baldo, ang LGU sa pamamagitan ng Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office (MDRRMO) at ng Municipal Social Welfare & Development Office (MSWDO) ay nagbibigay ng bigas at mga food packs sa mga pamilya o closed contact ng mga aktibong kaso ng COVID-19 ng bayan.

Bilang isang hakbang sa pag-iwas sa posibleng pagkawa ng naturang sakit, ang mga closed contact ay maaaring manatili muna ito isolated area kung saan ay isasailalim ito sa 14 days quarantine period.

Dagdag pa nito upang matiyak ang mahigpit na pagpapatupad ay kailangan sundin ang minimum health standards protocols at regular rin na binabantayan ang mga closed contact kung saan imomonitor ng Municipal Health Emergency Response Team (MHERT) ang kanilang kalusugan.

Sinabi ng opisyal, mula nang sumiklab ang COVID-19, naging malaki na ang naitulong ng LGU-Camalig sa paghahatid ng suporta sa pagkain sa mga Persons Under Monitoring (PUMs), at mga positibo sa COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *