LGU Siruma , naghigpit sa pagbiyahe ng baboy

NAGA CITY – Kaagad na naghigpit at naglagay ng checkpoint ang Lokal na Pamahalaan ng Siruma, Camarines Sur, lalo na sa mga sasakyang may baboy, sa mga bibili o magbebenta ng bahoy, matapos na mapag-alamang may nagpositibo sa ASF o African Swine Fever sa bayan ng Calabanga.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Pio Balanay JR, Agriculture Division in Livestock Inspector sa Municipal Agriculture Office.

Aniya, bagamat wala pang direktibang ibinababang abiso ang Department of Agriculture, nagsasagawa na sila ng pag-spray sa mga sasakyang may mga baboy lalo na hindi lang bayan ng Calabanga maging ang Camaligan umano ang kumpirmadong may kaso ng ASF bilang pag-iingat tulong sa mga may alagang baboy dahil napakahirap kapag naapektuhan sila.

Namigay na din sila ng chlorine at inabisuhan na rin ang lahat lalo na ang mga may alagang baboy sa bayan na maging alerto at panatilihing malinis ang kulangan ng mga ito.

Ayon pa sa opisyal, isa ang bayan ng Siruma ang wala pang naitatalang ASF case kaya ito ang nais nilang panatilihin at ayaw nilang mapasukan ng sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *