LGU Surallah bibili ng 3 hectares na lupa para sa relocation ng mga residente, paaralan sa Sitio Kiantay

KORONADAL CITY – PINOPROSESO na ng local government unit o LGU Surallah ang mga papeles at legalidad ng proposed relocation site para sa Kiantay Elementary School at mga residente ng Sitio Kiantay, Barangay Upper Sepaka, Surallah na apektado ng tension cracks.

Inihayag ni Mayor Pedro Matinong na may natukoy na ang LGU na isang ektarya ng lupa sa Sitio Datal Lawa na patatayuan ng school building. Ito ay aprubado na umano ng Mines and Geosciences Bureau o MGB 12.

Ngunit ayon sa alkalde na kanila pang inaayos ang mga papeles dahil ang naturang lupa ay sakop ng ancestral domain.

Ayon kay Matinong na personal din nitong bibilhan ng 2 hectares na relocation site ang mga residente ng Sitio Kiantay matapos na idineklara ng MGB 12 na hindi na ligtas tirhan ang kanilang mga bahay na nakatayo sa lupa na nakitaan ng mga bitak.

Leave a Reply

Your email address will not be published.