Drug rehab center, itatayo sa bayan ng Surallah

KORONADAL CITY- NAKATANGGAP ang bayan ng Surallah ng financial assistance na P 5 million mula sa Dangerous Drugs Board o DDB. Ito ay gagamitin sa construction ng rehabilitation center sa naturang bayan.

Kaugnay nito, nagpaabot ng pasasalamat si Surallah Mayor Antonio Bendita sa DDB sa pamumuno ni Secretary Catalino Cuy at sa mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa ibinigay ng mga itong ayuda.

Pinasiguro naman ng alklade na gagamitin nila sa tama ang naturang pondo at nagpahayag din ito ng suporta ng LGU sa kampanya ng administrasyon laban sa iligal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *