LGU umapela sa mga mamamayan na mamalagi sa loob ng kanilang tahanan kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bayan ng Daet

DAET, CAMARINES NORTE – Muling umapela sa mga mamamayan ang Lokal na Pamahalaan ng Daet na mamalagi sa loob ng kanilang tahanan kung hindi naman kinakailangang lumabas

Partikular na dito ang mga nasa edad 14 pababa at 66 anyos pataas gayundin ang may mga immunodifieciency, comorbidity, buntis at may mga health risks

Maliban na lamang kung sila ay kabilang sa mga Authorized Persons Outside Residence o kung sila ay kukuha ng basic necessities o kaya naman may emergency o nangangailangan ng atensyong medikal

Base sa official statement na ipinalabas ni Mayor Benito Ochoa matapos nitong isapubliko ang ilang mga detalye at impormasyon ng mga bagong nagpositibo sa sakit, binigyang diin nito na importante ang pagsunod sa inilabas na omnibus guidelines on the implementation of Community Quarantine in The Phils with amendments as of April 15, 2021

Kaugnay nito, umaasa si Mayor Ochoa ng pakikipagkaisa at pagsunod ng publiko sa mga alituntuning ipinatutupad upang mailayo ang bawat isa sa peligro ng posibleng pagkahawa ng sakit na COVID-19

Ang Daet ang nangunguna sa Camarines Norte na may naitatalang pinakamaraming kaso ng COVID-19 kung saan nito lamang weekend hanggang kahapon ay nakapagtala ang naturang bayan ng 13 panibagong kaso ng sakit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *