LGUs, magkakaroon ng awtonomiya sakaling maipatupad na ang full devolution

Mas magkakaroon ng awtonomiya ang mga local government units sakaling maipatupad na ang full devolution na nagbibigay ng mas mataas na national tax allotment shares sa kanila.

Sa isang panayam, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang pag facilitate ng devolution  sa mga lokalidad ay magiging advantage sa mga ito dahil mabibigyan sila ng mas mataas na awtonomiya dahil sa pagtaas ng kanilang national tax allotment shares.

Maaari rin aniyang kalkulahin ang kabuuang IRA batay sa kita ng Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue.

Dagdag pa ng opisyal, tutulong ang budget department sa mga LGUs upang matiyak ang wastong pagba-budget at paggasta ng pondo.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *