Naglatag na ng mga paraan ang mga lokal na pamahalaan sa bansa para tugunan ang posibleng epekto ng El Niño.
Sinabi ni Quirino Gov. Dax Cua na siya ring chairperson ng League of Provinces in the Philippines, ilan lamang sa mga inilatag na hakbang ay ang pagpasa ng ordinansa laban sa illegal tapping ng tubig, pagkakaroon ng information education campaign katuwang ang Department of Education kaugnay sa tamang paggamit ng tubig.
Isa rin sa maaring gawin ng mga LGUs ay ang pagsasagawa ng cloud seeding upang matulungan ang mga magsasaka.

Samantala, nagpulong na rin ang Metro Manila Council kasama ang mga ahensiya ng pamahalaan para balangkasin ang paghahanda sa parating na El Niño.
Ayon kay MMDA Chairmain Don Artes , kasama sa pinag-usapan ang pagtatag ng task force ng bawat LGU sa Metro Manila.
Pinag-aaralan nila ang pagregulate ng tubig sa bawat establisyemento para makatipid ng tubig. //MHEL PACIA