LGUs patuloy na pinaalalahanan sa monitoring sa lugar na delikado sa lindol

NAGA CITY – Pinaalalahan ng Department of Science and Technology-Philippine Institute of Volcanology and Seismology o DOST-PHIVOLCS  ang mga LGU sa kanilang papel sa kaligtasan ng mga residente sa lindol.

Binanggit ito sa Basic Disaster Risk Reduction and Management Training para sa mga Media Practitioner. Bibnigyan diin din na  tuwing may pagyanig o lindol, tanging pagbibigay lamang ng mga warnings at awareness ang kaya nilang magawa.

Ayon kay Paul Karson Alanis, Resident Volcanologist at Mayon Volcano Observatory, pagdating kasi sa enforcement sa mga Lokal na Gobyerno lalo na sa Camarines Sur, hindi nila kaya lalo na’t hanggang ngayon patuloy pa nilang pinag-aaralan at wala pang machine o technology na magsasabi kung kailan, anong oras, at saan magaganap ang lindol.

Nasa isang LGU rin kasi ang patuloy rin ng pagmonitor at information dissemination lalo na’t may Philippine Fault sa sakop ng Pasacao, Camarines Sur , prone din ang bayan ng Pili, Canaman, sa ilang bahagi rin ng bayan ng Ragay sa mga lindol.

Kaya naman sa pamamagitan ng pagbibigay ng awareness at mga dapat na paraan kapag may pagyanig maging sa mga pagpapatayo ng mga gusali, bahay ay ipinapaalam din nila.

Nitong Mayo 24 lamang nakaramdam ng Magnitude 3.0 na lindol ang Camarines Sur, at Mayo 25 naman Magnitude  4.8 sa Masbate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *