Libo-libong katao, sama-samang nagpakuha ng larawan habang naka hubo’t-hubad sa Sydney, Australia

DINAGSA ng libo-libong participants ang isinagawang “naked photo shoot” sa Bondy Beach sa Sydney, Australia.

Batay sa tala ng mga organizers, umabot sa humigi’t kumulang 2,500 na mga indibidwal ang nakilahok at hubo’t-hubad na nagtipon-tipon para sa isang photo shoot na pinangunahan ng kilalang photographer sa nasabing bansa na si Spencer Tunick.

Katawa-tawa man para sa iba, ngunit may malalim na kahulugan at layunin ang isinagawang aktibidad sapagkat layunin nitong gisingin ang kamalayan ng publiko hinggil sa sakit na “skin cancer”.

Batay sa datus, ang bansang Australia ang nakapagtatala ng pinakamaraming indibidwal na namamatay dahil sa sakit na skin cancer sa buong mundo.

Dahil sa pagsasagawa ng naturang ‘nude art’ umaasa ang mga organizers ng event na Skin Check Champions na mapagtatagumpayan nila ang kampanya hinggil sa ‘Skin Cancer Awareness.’### JDR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *